
TIKLO ang tatlong drug personalities, kabilang ang dalawang high-value individuals (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.
Kinilala ni Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) chief P/Lt. Col. Timothy Aniway Jr ang naarestong mga suspek na sina alyas “Dondon”, 42, at alyas “Judith”, 42, kapwa miyembro ng Jojo Balaoro Drug Group at alyas “Macmac”, 24, pawang ng Caloocan City.
Sa kanyang ulat Kay NPD District Director P/BGen. Josefino Ligan, sinabi ni Aniway na ikinasa nila ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA matapos magawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng isa sa kanyang mga tauhan na nagpanggap na buyer.
Nang matanggap ang signal mula sa isa nilang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na hudyat na positibo na ang transaksyon, agad lumusob ang mga operatiba ng DDEU saka dinamba ang mga suspek sa East Riverside, Brgy. Potrero.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 30 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P204,000, buy bust money at isang .38 caliber revolver na kargado ng dalawang bala.
Mahaharap ang mga susopek sa kasong paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), at R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) in relation to B.P. 881 (Omnibus Election Code).
More Stories
MARCOS PINAYAGAN WORK-FROM-HOME, HALF DAY NG GOV’T WORKERS SA MIYEKULES SANTO
EX-PCSO CHIEF GARMA HUMINGI NG ASYLUM SA US
Rizal House bet JB Pallasigue kinilala kahalagahan ng mga nanay