January 24, 2025

3 drug suspects tiklo sa buy bust sa Caloocan, Malabon

TATLONG hinihinalang drug personalities ang isinelda matapos masakote sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Malabon Cities.

 Ayon kay Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-5 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang3rd MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operation sa Gumamela St., Brgy. 185, na nagresulta sa pagkakaaresto kay John Christian Nalaunan alyas “Niño, 27.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000.00; at buy bust money na isang P500 bill at 11 pirasong P1,000 boodle money.

Sa Malabon, nadakma naman ng mga operatiba ng Malabon police SDEU team sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Alexander Dela Cruz sa buy bust operation sa Atis Road corner Governor Pascual Avenue, Brgy. Potrero alas-2:45 ng madaling araw si Rubendario Salceda Jr, 51 at Kelvin Evangelista alyas “Balot”.

Ani Malabon police chief Col. Amante Daro, nakuha sa mga suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng abot 1 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P6,800.00; at P300 buy bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.