SHOOT sa kulungan ang tatlong drug suspects matapos makuhanan ng baril at mahigit P.3 milyong halaga ng shabu makaraang maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DEU) ng Northern Police District (NPD) chief P/Major Jeraldson Rivera ang naarestong mga suspek na sina alyas “Bong”, 48, HVI, “Daniel”, 40 at “Domingo”, 52, pawang mga residente ng lungsod.
Sa ulat, ikinasa ng mga operatiba ng DDEU ang buy bust operation kontra kay “Bong” matapos magpositibo sa kanilang isinagawang validation ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta nito ng shabu sa kanilang lugar.
Nang tanggapin ni “Bong” ang buy bust money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama ang dalawa pang suspek sa Blk 7, Villa Enrico Phase 5, Brgy. 171 dakong alas-2:15 ng hapon.
Ayon kay Major Rivera, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 53 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug prive value na P360,400, buy bust money at isang caliber 38 na may apat na bala.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
More Stories
DA NAGSAMPA NG KASO VS IMPORTER NG P20.8-M SMUGGLED NA SIBUYAS, CARROTS
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
OCCIDENTAL MINDORO INUGA NG 5.5 MAGNITUDE NA LINDOL