Tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang vendor umano ng shabu ang arestado sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 1:40 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warriors sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo sa Phase 8A, Barangay 176, Bagong Silang.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makaiskor ng P1,000 halaga ng shabu sa kanilang target na si Acmad Moad, 23, vendor.
Nang tanggapin ng suspek ang marked money kapalit ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba at nakumpiska sa kanya ang aabot sa 18 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P122,400.00 ang halaga at marked money.
Samanta, bandang alas-2:20 naman ng madaling araw nang respondehan ng mga tauhan ng Tala Police Sub-Station ang tawag mula sa concerned citizen hinggil sa umano’y nagaganap na post-session sa 113 Kaagapay road Brgy. 186 Tala na nagresulta sa pagkakaaresto kay Mark Rey Salazar, 29, at Christian Nayan, 34 matapos maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot ng shabu.
Narekober sa kanila ang isang disposable lighter at Glass tube na may bahid pa ng hinihinalang shabu.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA