NAPIGILANG makapasok ng bansa ang tatlo pang lalaking dayuhan na sex offenders matapos maharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagiging undesirable aliens.
Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na naharang ang tatlong pasahero sa NAIA Terminal 1 noong nakaraang linggo nang dumating at humingi ng pagsang-ayon sa BI bilang mga turista sa bansa.
Nabatid na nakilala ang isa sa mga dayuhan na si Jeffrey William Jewitt, 42-anyos, na naharang noong nakalipas na Abril 5 nang dumating sa NAIA sakay ng Korean Airlines flight mula Incheon, South Korea.
Ayon sa border control and intelligence unit (BCIU), si Jewitt ay nahatulan bilang sex offender noong 2012 ng Illinois court.
Hinatulan ito na makulong ng two counts sa pagdukot sa bata at sekswal na pang-akit sa isang 16-anyos na babae at isang kaso ng sekswal na pagsasamantala sa isang 12-taong-gulang na bata.
Samantala, noong Abril 7 ay naharang din ang US national na si Charles David James Weatherall, 32-anyos, nang dumating ito sa bansa mula sakay ng Air China flight mula sa Beijing.
Ayon sa BI-BCIU si Weatherall ay nahatulan sa kasong child pornography na may kaugnayan sa pagkakaroon ng malaswang larawan ng ilang kabataan sa United Kingdom.
Habang noong Abril 8, isa pang US national na si Momodu Wurie Jalloh, 28-anyos ang agad na pinabalik sa pinanggalingan nito matapos dumating sa NAIA sakay ng Saudia Airlines flight mula Jeddah, Saudi Arabia.
Sinabi ng BI-Interpol unit na si Momodu ay nahatulan sa Virginia, USA dahil sa aggravated sexual assault ng isang 21-anyos na biktima.
Sinabi ni Tansingco na bilang resulta ng pagkakasabat sa tatlong dayuhan ay inilagay ang mga ito sa immigration blacklist.
“As gatekeepers of the country, immigration officers are chiefly responsible for seeing to it that unwanted aliens are immediately turned away upon arriving in any of our international ports of entry,” ayon sa BI chief.
More Stories
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO
LGUs, TV stations, Simbahang Katoliko pinagkakatiwalaang sektor sa ‘Pinas
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO