MANILA, PHILIPPINES
Isinasaalang-alang ng Malacañang ang tatlong araw na nonworking holiday mula Nob. 29 hanggang Dis. 1 – na itinakda bilang “National COVID-19 Vaccination Days” – at upang pakilusin ang buong gobyerno para palakasin ang inoculation drive nito.
Bagama’t matagumpay ang programa ng pagbabakuna sa National Capital Region (NCR), malayo pa rin ang pamahalaan sa national inoculation target nito dahil maraming rehiyon ang malayo pa sa kani-kanilang goals.
Noong Nob. 10, umabot sa 30.5 milyong Pilipino lamang ang ganap na nabakunahan, o 27.66 porsiyento ng mahigit 110 milyong populasyon ng bansa. Target ng gobyerno na ma-inoculate ang 5 milyong Pilipino kada araw sa tatlong araw na vaccination drive at dalhin ang kabuuang bilang sa buong bansa sa 50 milyon sa pagtatapos ng taon upang maabot ang population protection.
Sa press briefieng noong Huwbes, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na malapit nang magdesisyon si Pangulong Duterte kung idedeklara ang Nobyembre 29 at Disyembre 1 bilang mga special nonworking holiday. Ang Nobyembre 30 ay Bonifacio Day, isang regular holiday.
“The concept [to be applied] here is ‘bayanihan.’ The entire government will be joining, including the local government units (LGUs), Armed Forces, police, medical community and even religious organizations,” saad niya.
Ayon kay Dr. Kezia Rosario, pinuno ng National Vaccination Operations Center (NVOC) secretariat, na magde-deploy ang gobyerno ng 33,000 vaccination teams na kinabibilangan ng 170,000 health workers sa inoculation drive.
Ang iba pang mga propesyonal sa kalusugan mula sa pampubliko at pribadong sektor, tulad ng mga dentista, pharmacists at mga medical technologist, ay ide-deputize din upang umabot sa kabuuang 200,000 ang magbabakuna.
Sinabi ni Rosario na dadagdagan ng gobyerno ang bilang ng mga aktibong vaccination site mula sa kasalukuyang 8,000 hanggang sa 11,000.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?