December 24, 2024

3 construction workers nakuryente sa ginagawang drainage sa Batangas

LIPA CITY, BATANGAS – Ginagamot ngayon sa magkahiwalay na ospital ang tatlong biktimang construction workers matapos na aksidenteng makuryente sa isang ginagawang drainage na paglalagyan ng mga kable ng kuryente sa  kanilang ginagawang barangay street lights bandang 6:00 ng gabi sa Purok 5,  Barangay Sampaguita, ng nabanggit na bayan.

Kinilala ang mga biktima na sina Albert Lolong, 55, Roxel Hernandez, 23, at Joie Tolentino, 53 anyos, mga residente sa Barangay Anilao ng parehong bayan.

Base sa ulat bandang alas-9:00 ng umaga ng kaparehong araw kasalukuyang nagsasagawa ng on-going street lights installation ang mga biktima sa gilid ng bangketa ng nasabing barangay kasama ang isang Isuzu boom truck na meron plakang CCN 3932 na may kargang box culvert  para ilagay sa hinukay na drainage at minamaneho ng driver na si Joseph Oreh, nang aksidenteng madikit umano ang metal boom ng truck sa isang live wire habang hawak-hawak ng mga biktima ang box culvert na ibinababa sa truck na naging dahilan para makuryente ang tatlong biktima at bumagsak sa lupa at mawalan ng mga ulirat.

Mabilis na dinala ng mga barangay officials sa Divine Love Hospital sina Lolong at Tolentino habang isinugod naman sa San Jose Medical Center si Hernandez na mga kapwa nasa maayos ng kondisyon ngayon. (KOI HIPOLITO)