January 21, 2025

3 CHINESE NATIONALS NA KIDNAPPER NALAMBAT SA BIÑAN, LAGUNA

Arestado sa isinagawang hot pursuit at follow up  operation nuon  araw ng Biyernes, November 3, 2023 sa Barangay Tubigan ng Lungsod ng Binan.

Ayon sa ipinadalang report ni Laguna Police Provincial Director Police Colonel Harold P. Depositar, kay PRO Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, kinilala ang tatlong suspek na sina Alyas “Tan”, Alyas “Yang” at isang alyas “Hui , habang kinilala naman ang biktima na si alyas Shoroming, 29 taon gulang, residente ng Ongpin Street sa Sta. Cruz, Maynila.

Base sa salaysay ng biktima sa pamamagitan ng kanyang interpreter sapilitan umano siyang isinama ng tatlong suspek habang siya ay nasa isang hotel sa lungsod ng Paranaque para dumalo sana sa isang meeting nuon October 30,  at dinala sa hide out ng mga suspek sa isang Subdivision sa Laguna.

Humihingi umano ng halagang P2 milyon na ransom money ang mga suspek subalit nasa P1.2 milyon lang umano ang nakuha ng mga ito sa pamamagitan ng money transfer at tinangay rin ang mamahaling sasakyan ng biktima, pinagsasampal at kinukuryente din umano ang babaeng dayuhan gamit ang isang teaser at apat na araw din umano siyang minolestiya ng suspek na si “Hui.” na kaniyang kapitbahay.

Nabawi sa pag-iingat ng mga suspek ang isang piraso ng caliber 22 na baril na may nnuon na limang piraso ng mga bala, at tatlumpu’t limang piraso ng mga bala ng caliber 45 na baril at isang Toyota Fortuner na ginamit ng mga suspek.

Maliban sa kasong kidnapping, extortion at grave coercion ay sasampahan din ng kasong acts of lasciviousness at physical injuries ang tatlong suspek na chinese national’s. (KOI HIPOLITO)