December 28, 2024

3 ‘BIG TIME’ TULAK HULI SA P1.4M SHABU SA CAVITE

Dasmarinas City, Cavite- Kulungan ngayon ang bagsak ng tatlong big time na nagtutulak ng mga iligal na droga sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng mga operatiba na pinangunahan ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU4A), Regional Intelligence Division (RID-RSOU), PDEA Cavite, CIDG Cavite at ng Dasmarinas City police station noong hapon ng Linggo, May 3, sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. Salitran Uno ng binangit na bayan.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina 1. Jose Ambrad alyas “Jojo”, 2. Roger Canaynay alyas “Roger” at si Hosni Makainding mga nasa hustong gulang.

Ayon sa ulat nakipagtransaksyon sa mga suspek ang isang undercover agent ng RDEU na nagkunwaring bibili ng droga at napagkasunduan magkita sa nabanggit na lugar at nang maiabot na ang kontrabando ay agad ng inaresto ang mga suspek at nakumpiska sa kanila ang dalawang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na may laman ng mga pinaghihinalaang shabu at isang piraso ng knot tied plastic bag na meron laman ng mga hinihinalang shabu na may timbang na 200 grams at meron street market value na P1,360.000, isang brown envelope, isang paper bag, isang piraso ng cellular phone at ang ginamit na isang bundle ng boodle marked money.

Kasong paglabag sa Sec 5 at 11 ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga nakakulong ng suspek sa RDEU detention cell sa Camp Vicente Lim sa Laguna. (KOI HIPOLITO)