Nagsagawa ng entrapment operation ang Quezon City Police District (QCPD) Station 5 Fairview sa pangunguna ni P/Lt. Col Melchor Rosales laban sa illegal online selling na nagresulta sa pagkaaresto ng tatlong babae na sina Prescious McMuuray, Dina Rodriguez at Rachel Leyba. Nakumpiska sa kanila ang boodle money, Louis Vuitton at Chanel bag. (Kuha ni ART TORRES)
Arestado sa ikinasang entrapment operation ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Station ang tatlong babae na nagbebenta ng pekeng luxury bag sa pamamagitan ng Facebook.
Isinumbong ng 31-anyos na si Lovely Rose Durian, ang mga suspek na nagbebenta umano ng pekeng bag.
Kwento ng biktima, “100 percent original” ang sinabi ng seller sa bag na binili niya sa halagang P30,000.
Pero huli na nang madiskubre niya na peke ang nasabing bag.
Kinilala ang mga naaresto na Precious Mcmurray, 27- anyos, dalaga, nakatira sa Mindanao St. Malanday, Marikina City; Dina Rudriguez, 52, may-asawa, residente ng Neptune St., Zytec, Tandang Sora, QC; at Rachel Leyba, 34, dalaga, ng Oak St. corner Chesnut St., West Fairview, Q.C.
Ayon kay Fairview Police Station 5 Commander P/Lt.Col Melchor Rosales, dakong 10:45 ng gabi, nang isagawa ang operasyon laban sa mga suspek sa Pontiac St. cor Camaro St. Near Samaka Vill. gate, Brgy. Greater Fairview, Q.C.
Lumalabas na ang modus operandi ng mga suspek ay kanilang pino-post sa social media ang binibenta na mga orihinal na Louis Vuitton at iba pang mga mahahaling bag.
Kapag nakapanghikayat ng kostumer ay pekeng bag na ang ibinibigay sa meet-up.
Narekober mula sa mga suspek ang isang brown na Louis Vuitton, itim na Chanel gayundin ang halagang P45,000 na ginamit na boodle money.
Nakapiit na ang mga suspek at nahaharap sa kasong swindling at estafa.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM