BORONGAN, Eastern Samar – Sa tuwing may pumapasok na malakas na bagyo sa Eastern Visayas region, palaging lumilikas si Allan Consultado at ang kanyang pamilya sa kanilang tahanan na nasa tabing-ilog upang maiwasan ang pagragasa ng tubig.
Ibinahagi ni Consultado, residente ng Borongan City, kung papaano siya at ang kanyang pamilya ay matiyagang naglalakad sa tubig-baha sa mga kalye upang sumilong sa legislative building ng siyudad kasama ang iba pang residente hanggang sa ligtas na silang makauwi sa kanilang mga tahanan.
“Masikip po doon tapos kapag maliligo walang CR,” ayon kay Consultado na dismayado rin sa kawalan ng privacy sa naturang building dahil maraming pamilya ang wala ng pagpipilian kundi makipagsiksikan.
Bilang tugon sa problema ng lokal sa typhoon-prone communities tulad ng Borongan, naglaan kamakailan lang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng P75 milyon sa tatlong bayan sa Eastern Visayas region para sa pagpapatayo ng dalawang palapag na Multi-Purpose Evacuation Centers (MPECs). Bawat MPEC building ay pinondohan ng P50 milyon.
Noong Nobyembre 25 hanggang 26, 2021, inilabas ng PAGCOR ang unang tranche – P25 milyon bawat isa – sa lokal na pamahalaan ng Borongan, Eastern Samar; Tacloban at bayan ng Kananga sa Leyte.
Itatayo ang PAGCOR-funded evacuation center ng Borongan City sa Barangay Alang-alang habang ang dalawang MPECs sa Leyte ay sa Barangay New Kawayan sa Tacloban City at Barangay Poblacion sa Kananga.
Ayon kay Easter Samar Vice Governor Maria Caridad Sison-Goteesan, kadalasan nagla-landfall ang bagyo sa bansa sa Easterb Visayas region dahil sa geographical locations nito.
“There is no denying na ang Eastern Samar ay paborito bisitahin ng bagyo. The brunt of Super Typhoon Yolanda, known in history as the biggest typhoon ever to hit land, dito unang nag-landfall sa Eastern Samar,” wika niya.
Dahil sa malapait nang itayo na PAGCOR-funded MPECs sa Eastern Visayas, ang mga residente na madalas salantain ng bagyo ay magkakaroon na ng litas at kompratableng lugar upang malikasan sa oras ng kalamidad.
Sa ginanap na ground breaking events ng proyekto, ipinaliwanag ni PAGCOR Acting Vice President for Corporate Social Responsibility Ramon Stephen Villaflor na ang itatayong two-storey MPECs ng state-run gaming agency ay magkakaroon ng lactation room para sa nursing mothers, kusina, palikuran at karagdagang silid na magagamit para sa multi purposes kapag walang kalamidad.
“This project is in response to the government’s priority to build more safe evacuation centers nationwide since the country is prone to various calamities such as typhoons, earthquakes and volcanic eruptions,” pahayag niya.
Samantala, nagpasalamat naman si Sison-Goteesan sa PAGCOR dahil hindi lamang sa responsableng pag-regulate sa Philippine gaming industry kundi maging sa palikom ng kita para suportahan tayong lahat sa oras ng kalamidad at sa iba pang socio-civic programs.
Binigyang diin naman ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na malaking tulong ang PAGCOR-funded evacuation center sa Tacloban City. Matatandaan na isa ang nasabing siyudad sa winasak ng bagyong Yolanda kung saan marami ang namatay.
Napapanahon naman para kay Kananga Municipal Mayor Manuel Vicente Torres ang MPEC project ng PAGCOR dahil bukod sa bagyo ay nasa gitna pa rin ng pandemya ang bansa, dahilan para masagad ang pondo ng maraming local government units.
Simula nang inilusad ang proyekto noong 2020, nakapaglabas na ang PAGCOR ng P1.309 bilyon para sa pagpapatayo ng 57 MPECs sa buong bansa. Ang naturang halaga ay bahagi ng first trance o 50% ng committed funding ng PAGCOR para sa MPEC project.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA