Tatlong sabungero ang arestado matapos salakayin ng mga pulis ang isang illegal na tupadahan sa Malabon city, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang mga naaresto na sina Heroly Magmay, 53, tricycle driver, Armando Malate, 39, fih vendor, at Joshua Bondad, 21, batilyo, pawang ng Barangay Longos.
Sa imbestigasyon nina PSSg Jeric Tindugan at PSSg Micahel Oben, nakatanggap ng ulat ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Malabon police mula sa Barangay Intelligence Network (BIN informant) hinggil sa nagaganap na illegal cockfighting activities na kilala bilang “Tupada” sa Block 10, Hiwas Street, Brgy. Longos.
Kaagad bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni PLT Zoilo Arquillo saka nirespondehan ang naturang lugar dakong alas-11:15 ng umaga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos maaktuhang nagsasabong.
Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang patay na panabong na manok na may tari at P2,800 bet money. (JUVY LUCERO)
More Stories
VIETNAMESE NA NAGPAPANGGAP NA BEAUTY DOCTOR KALABOSO
Nilinaw ng DOF ang pagtukoy sa bahagi ng National Tax Allotment para sa LGUs
REMMITANCE NG PDIC SA GOBYERNO SUMUSUPORTA SA NATIONAL DEVELOPMENT