TATLONG hinihinalang drug personalities ang arestado matapos makumpiskahan ng halos P285,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Marlon Lacanilaw alyas Baloy, 33, (pusher/listed), John Paul Catada, 29, (pusher/not listed) at Edward Miranda alyas Sabog, 25, pawang nakatira sa R. Domingo St. Brgy. Tangos.
Ayon kay Col. Balasabas, alas-3:55 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa R. Domingo St.
Kaagad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga sa P300 ang isang undercover police.
Nakumpiska sa mga suspek ang umaabot sa 42 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P285,600 ang halaga, buy-bust money at P300 bills.
More Stories
“MAY PROBLEMA KA BA SA MAY AUTISM?” — DENNIS TRILLO, NAG-INIT ANG ULO SA BASHER NG ANAK NI JENNYLYN
Property exposure ng mga bangko sa Pilipinas, bumagsak sa pinakamababang antas sa loob ng 6 taon — BSP
Collegiate Coaches ng UAAP at NCAA, paparangalan sa SMC-Collegiate Press Corps Awards