Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang tatlong katao dahil sa paglabag sa gun ban na nag-umpisa noong Biyernes sa Metro Manila bilang pagtitiyak sa seguridad ng unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Maj. Joselito Quila ng Regional Highway Patrol Unit-National Capital Region (RHPU-NCR), kinilala ang mga suspek na sina Kenneth Suazo, 35; Edison Tauro, 31; and Rocky Claud Rol, 37; na naaresto sa ikinasang anti-carnapping operation sa kahabaan ng EDSA-Quezon Avenue.
Sa kasagsagan ng operasyon ay naispatan ng HPG ang isang Suzuki Ciaz ang kanila nitong pinara dahil na rin sa nakakabit na improvised plate number.
Nang beripikahin ang mga papeles lumalabas na ang plaka ay na gamit ng mga suspek ay nakarehistro sa Toyota Corolla.
Napansin na mga awtoridad na ang isa sa mga sakay ay mayroon baril dahilan upang ang tatlo ay papabain at isa-isang kinapkapan.
Nakuha mula sa mga suspek ang isang Caliber 380 ACP bersa, 1 kalibre .45 at isang 9Mm Nakapiit na ang tatlo habang inihahanda ang kaso laban sa mga ito.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA