May 19, 2025

3-ANYOS NIYAKAP, PINAGHAHALIKAN SA LEEG, PISNGI AT LABI; CONSTRUCTION WORKER TIMBOG SA MAYNILA

TONDO, MANILA — Isang construction worker ang naaresto ng Manila Police District – Police Station 7 matapos umano niyang harasin ang isang tatlong taong gulang na bata sa harap ng kanilang bahay!

Nabihag ng mga operatiba si Rommel Quin, 21, residente ng No. 742 B. Benita Street, Gagalangin, Tondo, sa isang raid noong Linggo ng gabi sa Pampanga Street, Tondo.

Ayon sa ina ng biktima, bandang alas-8:30 ng gabi habang naglalaro ang kanyang anak sa labas ng bahay, bigla na lang niyakap ni Quin ang bata at pinagsimulang halikan sa leeg, pisngi, at labi.

Dali-daling kinuha ng ina ang bata at umuwi, saka humingi ng tulong sa barangay. Agad na pinaaresto ang suspek sa tulong ni Barangay Kagawad Rogelio Cristobal ng Barangay 185.

Kasong paglabag sa Section 5 ng RA 7610 o Child Abuse Law ang isinampa laban kay Quin sa Manila Prosecutor’s Office.

Ang mga otoridad ay nananawagan sa publiko na maging mapagmatyag at agad na i-report ang mga ganitong insidente upang maprotektahan ang mga inosenteng bata mula sa mga mapaminsalang elemento. (Ulat ni ARSENIO TAN)