December 24, 2024

2nd wave na ayuda sa unemployed coming

Next week magsisimula ang second wave na pamimigay ng ayudang 5k hanggang 8k na cash assistance ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemic lockdown.

Ang mga ayudang ito ay bahagi ng Covid Adjustment Measures Program (CAMP) at ang TUPAD o cash for work program ng DOLE. 
This time, kabilang sa maaambunan ay ang mga teaching ang non-teaching personnel at ang mga accredited tour guides at iba pang manggagawa sa  tourism industry. 

Dati kasi mga manggagawa sa manufacturing, agri-business and service sectors lang ang binigyan ng cash assistance kabilang ang mga informal workers. 
Sa record ng DOLE, 658,886 na fornal sector workers anh nabigyan na habang 423,511 naman sa informal sector workers nabiyayaan sa pamamagitan ng cash for work program. 

Sumatotal, 1,082,397 pa lang ang na mga manggagawa ang nabigyan ng ayuda habang 7.3 million ang kabuan na manggawa ang nawalan ng trabaho ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) noong July 2020 dahil sa extreme community quarantine lockdown. 

Ayon naman sa Department of Tourism (DOT), may 155,000 pa lang na mga tourism industry workers ang nabigyan ng ayuda.