November 17, 2024

2nd International Dragon Boat Festival… ALL SYSTEMS GO NA SA PUERTO PRINCESA

Opisyal na nilagdaan nina PCKDF top brass Leonora Escollante( kaliwa) at Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron( kanan ) ang kasunduan para sa sasagwan na 2nd Puerto Princesa International Dragon Boat Festival saksi sina dating City Councilor Rey Ventura,incumbent Councilors Luis Marcaida III,Raine Bayron at Jonjie Rodriguez.

LARGA na ang lahat ng sistema sa Puerto Princesa para sa sasagwan na 2nd Int’l Dragon Boat Festival na naglalayon ding palawigin pa ang  sports tourism sa naturang tourist hub sa katimugan ng bansa.

  Nilagdaan kamakalawa nina Mayor Lucilo Bayron ang kasunduan sa pamunuan ng  Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation (PCKDF) kung saan ay idaraos ang karera sa tubigan sa Nobyembre -ang  2nd Puerto Princesa International Dragon Boat Festival kapirmahan si PCKDF top brass Leonora Escollante na patunay lang ng kanilang dedikasyon para sa ikatatagumpay ng dambuhalang international na kaganapan sa larangan ng palakasan.

“Our objective is to establish Puerto Princesa as a capital of sports tourism, and this dragon boat festival is part of our wider sports tourism program. We anticipate a vibrant economy as we welcome numerous participants to the event,” wika ng Alkalde.

  Optimistiko si Bayron na aakit ang event ng partisipasyon mula lokal at international paddlers sa buong mundo na handang makipagtunggali sa kapana-panabik na  water sports competition.

   Sinabi naman ni Escollante na ang naturang dragon boat festival ay itinakda mula Nobyembre 17 hanggang 19 sa Puerto Princesa Bay, na nasa  10 hanggang 12 dragon boat teams ang lalahok.

“We will actively involve our local dragon boat players and may even offer a clinic for them. As a result, there will be separate categories for local participants and international paddlers,” pahayag ni Escollante

Ayon pa kay  Escollante,ang  Puerto Princesa ay maghu- host ng  international dragon boat festival sa ikalawang pagkakataon.  Noong  2017, ini-host ng siyudad ang unang   local festival na sinundan ng international hosting noong  2018.