December 27, 2024

2K Navoteños nakinabang sa cash for work program

NASA 2,000 Navoteño ang nakinabang sa Cash for Work program na ipinatupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco. Sila ay nakatanggap ng P5,370.00 para sa 10 araw na trabaho tulad ng barangay cleanup, urban gardening, canal declogging, at coastal cleanup mula Setyembre 12-21, 2022. (JUVY LUCERO)

UMAABOT sa 2,000 Navoteño ang nakinabang sa Cash for Work program na ipinatupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas.

Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng P5,370.00 para sa 10 araw na trabaho sa iba’t ibang gawain tulad ng barangay cleanup, urban gardening, canal declogging, at coastal cleanup mula Setyembre 12-21, 2022.

“Many Navoteños still suffer from the economic impact of the pandemic, with some losing their livelihood due to rightsizing or business closure,” ani Mayor John Rey Tiangco.

“Despite the decreasing number of COVID cases, it might take our economy a while to fully recover. Providing job opportunities is just one of the ways our city government extends assistance to its constituents in this challenging time,” dagdag niya.

Bukod sa Cash for Work, ang Navotas ay nagbukas din ng slots para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), isang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na coordinated sa pamamagitan ng opisina Cong. Toby Tiangco.

Nasa 700 rehistradong Navoteño solo parents ang makikinabang sa programang ito.