January 27, 2025

298 NA INDIBIDWAL HULI SA 9 NA ARAW NA PAGSASAGAWA NG SACLEO SA BATANGAS

UMABOT na sa 298 na indibidwal ang naaresto ng mga operatiba ng batangas police provincial office sa pamumuno ni BPPO PROVINCIAL DIRECTOR PCOL GLICERIO C CANSILAO sa patuloy na pagsasagawa ng simultaneous anti-criminality law enforcement operations na nagsimula noong Lunes,  Mayo 18, 2022 at nagtapos noong Mayo 27, 2022 .

Nasa 97 wanted persons ang nahuli sa bisa ng mga inihaing warrant of arrests. Tatlumpu’t walo (38) dito ay tinaguriang Most Wanted Persons (MWP), pito (7) ang kabilang sa MWP regional level, labingapat (14) sa m MWP wp provincial level, labimpito (17) naman ang kabilang sa MWP city/municipal level.

Sa 102 na mga operasyon kontra ilegal na droga, 115 na drug personalities ang nahuli. Tinatayang 61.95 gramo ng shabu at 21.1 gramo ng marijuana na may kabuuang P424,512 halaga ang nakumpiska sa siyam na araw na operasyon.

Sa 36 na operasyon naman kontra ilegal na binubuo ng ibat-ibang sugal, tulad ng peryahang, may sugal, illegal na sabong, at iba pa!  umabot sa 80 katao ang nahuli at nakakumpiskahan naman ng bet money ng nagkakahalagang P13,543. Samantalang anim (6) na katao naman ang nahuli dahil sa iligal na posesyon ng baril. Sa kabilang banda, 2 mga baril ang naiturn-over ng mga gun owners for safekeeping sa ating kapulisan habang inaayos ang renewal ng mga lisensya nito.

 “Seryoso ang Buong Hanay ng kapulisan sa pagtugis sa anumang uri ng gawain na labag sa batas. Kung kayo po ay may impormasyon hinggil dito ay ipagbigay  alam lamang po ninyo sa mga awtoridad upang mapagtulungan po nating maging ligtas at mapayapa ang ating mga komunidad”, ayon kay Police Brigadier General Antonio Yarra, Regional Director ng Police Regional Office 4A.  (Felix Laban)