UMABOT na sa 29 katao ang kumpirmadong namatay sa lumubog na overloaded na pampasaherong bangka nitong nakaraang weekend sa Lukeni River sa Lukeni River sa Democratic Republic of the Congo sa western province ng of Maï-Ndombe.
Ayon sa ulat, natagpuan ng mga rescuers ang bangkay ng siyam na katao na nasawi sa nangyaring insidente.
Gayunpaman, hindi pa nakikilala ang 128 na nakaligtas na kabilang sa higit 300 katao na lulan ng vessel nang maglayag ito sa hindi awtorisadong nighttime voyage.
Patuloy na sinisisid ng mga rescuers ang katubigan sa Lukeni para hanapin pa ang mga nawawalang pasahero.
Ayon sa mga opisyal, kabilang sa mga bangkay na narekober ay 15 babae at isang siyam na buwan na sanggol.
Ang kadalasang dahilan ng deadly maritime accidents sa DRC ay ang pagkabigo ng mga operator na sumunod sa safety regulations. Matatandaan na noong Oktubre 2023, umabot sa 52 ang namatay sa Equateur province sa isang aksidete at nito rin Hulyo, 2024 pumalo sa 40 ang namatay dahil sa overloading.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA