UMABOT sa 2,840 Navoteño college students ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr.
Kinatawan ni Congressman Bryan Revilla ng Agimat Partylist at anak ni Sen. Revilla, ang kanyang ama na siyang nanguna sa pamamahagi ng P2,000 cash aid para sa mga kabataang mag-aaral, kasama si Mayor John Rey Tiangco.
Pinasalamatan ni Mayor Tiangco ang mag-amang Revilla sa kanilang tulong na ipinaabot sa mga estudyanteng Navoteño at pinaalalahanan naman niya ang mga mag-aaral na manatiling masipag sa kanilang pag-aaral.
“Lubos po tayong nagpapasalamat kay Sen. Revilla sa pagbibigay niya ng tulong pinansyal para sa halos 3,000 mga kabataang Navoteño na nag-aaral sa kolehiyo at sa kanyang anak na si Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist na bumisita at nag-celebrate ng kanyang birthday sa Navotas,” pahayag ni Mayor John Rey. (JUVY LUCERO)
More Stories
DATING ALBAY GOV. NOEL ROSAL DISQUALIFIED – COMELEC
Recto: Tax collection ng gobyerno pumalo sa P3.55-T ngayong 2024
WOLVES SINAGPANG ANG DALLAS