Pinagkalooban ng Public Employment Service Office (PESO) at Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Valenzuela City ang 28 Persons with Disabilities (PWDs) ng hearing aid kamakailan sa Valenzuela City Hall.
Sa pakikipagtulungan ng Humanity & Inclusion (HI), ang mga benepisyaryong hirap makarinig ay sumailalim muna sa serye ng ng pagsusuri sa Hear Sound Health Care Center, at matapos pumasa ay nabiyayaan ng pagkakataong matutong magsalita at makarinig gamit ang isang “assistive device.”
Ang makatanggap ng hearing aid na nagkakahalaga ng halos PhP 50,000 bawat isa ay hindi lamang malaking tulong pinansyal kundi isang biyaya ng pag-asang makarinig at magsalita.
Dahil sa mga nasabing hearing aid, mapag-aaralan ng mga benepisyaryo ang mga tunog sa kanilang kapaligiran at kinalaunan ay inaasahang makabubuo ng mga salita at pangungusap.
Napag-alamang ang pag-aaral magsalita ay madalas na mas madali sa mga taong nabingi nang kahit paano ay natuto nang magsalita ng bahagya.
Mayroon din namang mga nabingi dahil sa pinsala, pagkabantad sa malalakas na tunog o iba pang kondisyon sa kalusugan. Gayunpaman, para sa mga ipinanganak na hindi nakaririnig, mas mahirap na mag-aral pag-aralang magsalita at kinakailangan ng ibayong pagsasanay.
Karamihan sa mga benepisyaryo ay gagamit ng hearing aid sa unang pagkakataon kaya’t imo-monitor ng LEIPO at PDAO ang pag-unlad ng kanilang kakayahang makarinig at makapagsalita.
Maliban sa mga hearing aid, makatatanggap din ang mga benepisyaryo ng mga dehumidifier set at earmold. Sila rin ay isaiilalim sa libreng counseling ukol sa paggamit ng hearing aid.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE