UMAKYAT na sa dalawang daan at animnapu’t walo ang patay sa tumamang magnitude 5.6 na lindol sa Java, Indonesia.
Nadagdagan ng mahigit isang daan ang bilang ng mga nasawi sa loob lamang ng isang araw sa harap ng nagpapatuloy na search and rescue operations.
Pahirapan din ang pagpunta sa ilang lugar dahil sa mga nasirang kalsada.
Sinabi naman ng Indonesian National Disaster Mitigation Agency na mahigit isanlibo rin ang nasugatan, at mahigit isandaan at limanpu pa ang nawawala.
Mababatid na naramdaman ang pagyanig noong lunes at naitala ang sentro nito sa Cianjur Region ng West Java.
Bumisita na si Indonesian President Joko Widodo sa mga lugar na tinamaan ng lindol at nangako ito ng compensation sa mga biktima.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA