Nasa dalawampu’t limang libong tauhan ang ipapakalat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa buong bansa ngayong holiday season.
Ito’y para matiyak ang seguridad ng mga babiyahe para sa darating na Kapaskuhan.
Ayon kay PCG Commandant, Admiral Artemio Abu, isasailalim na rin sa full heightened alert ang PCG simula sa Dec. 20, 2022 hanggang sa January 4, 2023.
Bukod sa mga pantalan, kasama rin sa babantayan ng coast guard ang mga paliparan at terminal ng bus.
Samantala, pinaalalahanan naman ni Admiral Abu ang mga ship owners na tiyaking maayos at ligtas ang kanilang mga barko para sa mga biyahero.
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR