November 23, 2024

25% LANG NG RESIDENTE NG NCR, INTERESADO MAGPATUROK NG BAKUNA

Isa sa apat na residente ng Metro Manila ang interesadong mabakunahan laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang lumabas na resulta sa isinagawang survey ng OCTA Research mula Disyembre 9 hangang 13 noong nakaraang taon, kung saan 600 adult ang kinapanayam ng independent team ng mga eksperto kung gaano sila kainteresado na makakuha ng COVID-19 vaccine.

Lumalabas sa survey na tanging 25% ng mga residente ng capital region ay inrerestado na mabakunahan laban sa COVID-19, 29% dito ay nabibilang sa socioeconomic Class ABC, 24% sa Class D, at 27% sa Class E.

Samantala, ang nalalabing 75% ng respondents ay hindi pa tiyak o ayaw mabakunahan ng COVID-19 vaccine.