December 29, 2024

25 CREW NG RO-RO VESSEL POSITIBO SA COVID-19 SA BATANGAS

BATANGAS PORT- Aabot sa 25 tripulante ng MV Saint Anthony de Padua na isang (RoRo) vessel o passenger ship na pagmamay-ari ng 2Go Travel Shipping Company, ang nagpositibo sa sakit na coronavirus disease o Covid-19 na itinuturing ngayon na isang malaking bilang ng hawaan na nangyari sa iisang lugar lamang sa nasabing probinsya.

Base sa ipinalabas na ulat ng Batangas Philippine Ports Authority, galing ng Port of Batangas ang ang naturang sasakyan pandagat at naglayag patungo ng Port of Caticlan sa probinsya ng Antique, noong Linggo, Aug 1, nang dapuan ng trangkaso ang dalawa sa mga crew nito at ibinaba sa Ramp 5 ng Port of Batangas na ang isa sa mga crew ay nakaramdam ng pagkawala ng ganang kumain.

Habang ang mga naiwan na mga crew ng sasakyang pandagat na MV Saint Anthony de Padua ay muling bumiyahe patung ng Visayas area at ng sumunod na araw ay lumabas ang resulta ng dalawang crew na dinala ng ospital na ang mga ito ay positibo ito sa sakit na Covid-19 at pagsapit ng August 3,  ay mulilng bumalik sa Pier ng Caticlan ang barko at dumiretso sa Batangas Port ng sumuod na araw lulan ang 33 pasahero at nang parehong araw matapos pababain ang mga pasahero ay nagdesisyon ang kapitan ng ro-ro vessel na  magtungo sa dagat na sakop ng Bauan, Batangas para pansamantalang humimpil sa lugar at muling nagkaroon ng panibagong dalawang crew members ang nawalan ng pang amoy at panlasa.

Dahil sa nangyari nakatanggap ng tawag sa telepono ang Provincial Disaster and Management Office (PDRRMO) galing kay Engr. Lansen Padua ng 2Go Travel para na rin humingi ng tulong na madala sa pagamotan ang dalawang crew at inireport sa Bureau of Quararantine.

Napagdesisyunan na ibaba sa anchorage areas at isakay sa tug boat ang dalawang crew para dalhin sa pinakamalapit na pagamutan na isinakay sa isang tricycle subalit hindi umano tinanggap ang dalawang hinihinalang covid-19 positive patients dahil sa kawalan ‘di umano ng kuwarto kaya’t dinala ang mga ito sa isang private resort na pinahihintulutan ng lokal na pamahalaan habang ang isang crew ay dinala naman sa accredited facility ng Bureau of Quarantine at idiniretso ang isa sa San Juan District Hospital.

Dahil sa mga pangyayari ng kontaminasyon ay  nagdesisyon ang kumpanya ng ro-ro vessel na kumuha ng isang private testing laboratory para suriin ang iba pang mga crew nuon Aug 7 at doon na nadiskubre at nakumpirma na positibo sa covid-19 virus ang nalala25 crew members na ngayon ay inilagay sa isolated area sa loob ng sasakyan pandagat.

Nag-utos naman si Batangas Governor Hermilando “Dodo” Mandanas sa naturang kumpanya na agad itong makipag-ugnayan sa mga concerned agencies para masiguro ang contact tracing sa mga nakasalamuhang mga pasahero na galing ng Port of Caticlan at nagtungo sa Port of Batangas noong nakaraang Miyerkoles. Nababahala naman si Batangas IATF Member Dr. Ernesto Magsino, na hinihinalang Delta variants ang posibleng tumama sa 25 crews na kadalasan ay nasusuri sa mga asympthomatic na mga pasyente dahil na rin sa bilis ng hawaan sa mga ito na nangyari lamang sa loob ng tatlo hanggang apat na araw. (KOI HIPOLITO)