December 25, 2024

243-M DOSES NG COVID-19 VACCINES NAIPROSESO NG BOC-NAIA

Bilang suporta sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno, agad na inasikaso ng Bureau of Customs-Port of Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang nasa higit 243 milyong doses ng bakuna na dumating sa bansa noong nakaraang buwan.

Ito’y sa pangunguna ni BOC-Port of NAIA District Collector Carmelita Talusan kung saan 243,430,890 doses ng COVID-19 vaccines ang agad nilang nailabas.

Bukod dito, nasa tatlong milyong bakuna ng Pfizer na para sa mga bata ang mabilisang naproseso NAIA Terminal 3 nitong Setyembre.

Sa datos pa ng BOC, nasa walong iba’t ibang brand ng COVID-19 ang nabigyan na ng clearance na kinabibilangan ng AstraZeneca, Hayat-Vax, Johnson & Johnson, Moderna, Pfizer BioNTech, Sinopharm, Sinovac at Sputnik V.

Nailabas at naipamahagi agad ng BOC ang mga bakuna sa pamamagitan ng advanced clearance procedures.

Samantala, ang CoVax Special Handling Task Force na binubuo ng mga miyembro ng security and operations unit ng BOC ang siya naman bahala sa pagbabantay ng mga bakuna.

Ang BOC-Port of NAIA sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz ay nakatuon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pagandahin ang proseso at inisyatiba para palakasin ang vaccination drive kontra COVID-19 na kabilang sa recovery plan ng pamahalaan.