PATAY ang 24 church members habang 12 sugatan sa nangyaring aksidente sa southern Zambia.
Ayon kay Deputy police spokesman Danny Mwale, pinaniniwalaang mga miyembro ng New Apostolic Church sa Chongwe District sa outskirts ng Lusaka ang mga nasawi na bumabiyahe patungong Siavonga sa south para sa church meeting.
“The deceased have only been identified as 23 female adults and one male adult, while those injured are eight females and four males. The driver of the bus (on which the victims were) is among the injured victims,” ayon kay Mwale.
Aniya, naganap ang aksidente nang salpukin ng Freightliner Truck ang sinasakyan nilang Mitsubishi Rosa sa Kapiringozi area sa kahabaan ng Chirundu-Kafue Road, sa timog ng Lusaka.
“Police preliminary investigations indicate that the bus with 35 passengers on board hit behind the truck and trailer. The bus driver then lost control of the vehicle and overturned, falling on the left side of the road into a ditch,” saad niya.
Ayon kay Mwale matinding pinsala ang tinamo ng bus habang rear bumper lang ang sa truck.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Chongwe District Commissioner Evans Lupiah sa pamilya ng mga nasawi.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW