UMABOT sa 233 katao ang arestado, kabilang ang tatlong menor-de-edad na narescue sa isinagawang intensified police operation sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) na sakop ng Northern Police District (NPD).
Ayon kay NPD Director PBGEN Ulysses Cruz, ang operation kontra iligal na droga at kriminalidad ay isinagawa noong May 3, 2022 hanggang May 16, 2022 sa pangunguna ng NPD, kasama ang apat na Police Station sa CAMANAVA.
Kabilang sa mga naaresto ang 49 lumabag sa RA 9165, 67 lumabag sa illegal gambling,13 sa kasong Theft, 2 sa kasong Robbery, 59 na Wanted Persons, isa sa RA 10591 kaugnay sa Omnibus Election Code, 6 sa Batas Pambansa 6, isa sa Article 151 ng RPC, isa sa Article 294 ng RPC, isa sa Attempted Homicide at isa sa Attempted Murder.
Dalawa sa RA 9262, lima sa RA 7610, isa sa Acts of Lasciviousness; isa sa RA 11313; isa sa PD 1613; isa sa RA 10883; walo sa Liquor Ban; dalawa sa Rape; dalawa sa Unjust Vexation; isa sa Reckless Imprudence; isa sa Grave Threat; dalawa sa PD 1612; at lima sa Physical Injury.
Ang magkakahiwalay na anti-illegal drugs operation ng NPD at CAMANAVA City Police Stations ay nagbunga rin ng pagkakakumpiska ng 356.83 gramo ng hinihinalang shabu na may DDB value na PHP 2,426,444.00, at 10.0 gramo ng “Marijuana” na may DDB value na PHP 1, 200.00. Ani Cruz, ang NPD ay mananatiling alerto at patuloy na maglulunsad ng intensibong mga operasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Lungsod ng CAMANAVA.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?