November 24, 2024

233 INMATES NG BJMP MANILA NAGTAPOS SA ALS NG DEPED

HINDI naging hadlang ang malamig na rehas sa determinasyon ng 223 na persons deprived of liberty (PDL) na magkaroon sila ng panibagong pag-asang mamuhay ng tahimik nang makapagtapos ang mga ito ng Alternative Learning System (ALS) ng DepEd Manila, sa isang programa sa BJMP Manila City Jail Male Dorm sa tulong at gabay ng ALS Mobile Teachers.

Ang programa ng pagtatapos ay sinaksihan ng mga opisyal ng DepEd Manila, mga magulang ng PDL at mga opisyal ng City jail sa pangunguna ni City Jail Warden Superintendent Mirasol Vitor, ang nag-organize ng “Pagtatapos at Pagbibigay Parangal” para sa mga preso.

Ang nasabing DepEd program katuwang ang Bureau of  Penology ay naglalayon na bigyan ng panibagong oportunidad ang mga bilanggo na magkaroon ang mga ito ng dignidad at paniniwala na may nahihintay sa kanila na magandang bukas sa labas ng kulungan.

Ayon kay Vitor, naging matagumpay ang pag-aaral ng mga PDL kaya naigawad sa kanila ang sertipikasyon ng pagtatapos sa Junior at Senior highschool ng ALS.

Baon ng mga nagsipagtapos na bilanggo ang pagsisimula ng panibago nilang mithiin sa buhay.