
Nasagip ng disaster responders ang 23 crew members ng nasunog na fishing vessel sa karagatan na sakop ng Basay, Negros Oriental ngayong araw.
Gayunpaman, blangko pa rin ang mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng sunog ng kanilangsasakyan dahil hindi nakikipag-ugnayan sa kanila ang crew, kabilang ang kanilang kapitan, ayon sa Negros Oriental Police Provincial Office (NORPPO) spokesman, Lieutenant Stephen Polinar.
Sinabi rin ni Polinar, na hindi magawang makapagsiyasat ng mga imbestigador at makakuha ng palatandaan sa mapait na sinapit ng fishing vessel dahil lumabog na ito matapos tupukin ng apoy sa Sitio Lintub, Barangay Nagbo-Alao, Basay.
Nakarehistro ang sasakyang-dagat na Quadro Alas, sa pangalan ni Delfen Calogbang Jr.
Isinugod ang mga nakasalba sa Rural Health Unit (RHU) sa Basay, kung saan hanggang ngayon ay hindi pa rin sila makapaniwala sa nangyari.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon