January 11, 2025

22 TRUCK, PUV HINULI DAHIL SA PAGGAMIT NG LUMA AT SIRA-SIRANG GULONG; 63 IBA PA NATIKETAN

Sa ilalim ng patnubay ni DOTR Secretary Jaime J. Bautista, nagsagawa ang Land Transportation Office (LTO) ng aggressive road safety rules operation na nagresulta sa pagkakahuli ng 85 motorista, kabilang ang 22 drayber dahil sa mga luma at sira-sirang gulong ng kanilang mga sasakyan.

Ayon LTO Chief, Assistant Secretary Atty Vigor D. Mendoza II, ipinatupad ang nasabing operasyon mula Enero 7 hanggang 8 sa iba’t ibang bahagi ng National Capital Region (NCR).

“The focus of the operations are trucks and passenger utility vehicles because of the incidents of road accidents involving these types of vehicles,” ayon kay Asec Mendoza.

Sa kanyang ulat, sinabi ni Director Eduardo De Guzman ng LTO-Law Enforcement Service, na 22 motorista ang nahuli matapos matuklasan ng kanyang mga tauhan na gumagamit ng mga luma at sira-sirang gulong ang mga sasakyan.

Karamihan sa mga nahuli ay mga truck driver.

Labindalawang motorista ang nahuli dahil sa paggamit ng mga hindi nakarehistrong sasakyan habang 51 pang iba ang nahuli dahil sa iba’t ibang paglabag na kinabibilangan ng reckless driving, hindi pagsusuot ng helmet, at pagmamaneho nang walang lisensya.

“We will sustain these operations in order to ensure the compliance of all motorists. It is important that our personnel are visible on the ground because they compel erring motorists to behave,” saad ni Asec Mendoza.

“For several times, we have been urging motorists to be disciplined and to do what is right. We express gratitude to the majority of our motorists who are law-abiding citizens. And for the few who are hard-headed, our enforcers will be there to implement road safety rules and regulations,” dagdag niya.