NAKATANGGAP ang 22 mga Navoteños na nagmula sa informal work sector ng libreng bisikleta at Android mobile phones mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ito ay proyekto sa ilalim ng Integrated Livelihood and Emergency Employment Program o FreeBis (Bisekletang Pangnapbuhay) ng DOLE.
Pinangunahan ang turnover ng mga bisikletra at cellphone nina Navotas Congressman John Rey Tiangco at DOLE CAMANAVA Director Rowella Grande.
Ayon kay Cong JRT, maaaring gamitin ang mga ito ng mga benepisyaryo para makatulong sa kanilang online o loading business.
Ang FreeBis bikes ay kumpleto na sa mga gamit kasama ang helmet, raincoat, vest, water bottle, at thermal bag. Nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng android mobile phone na may P5,000 load.
Kaugnay nito, sampung frontliners naman na naglilingkod sa Navotas City Hospital at City Health Office ang napaghandugan ng bike ni Navotas Mayor Toby Tiangco.
“Ito ay bilang pagbibigay-pugay sa kanilang pagsasakripisyo at pagsisilbi sa atin sa kabila ng panganib at hirap na dulot ng COVID-19. Lubos po tayong nagpapasalamat sa kanila at dasal natin na parati silang ligtas sa anumang sakuna”, pahayag ni Mayor Tiangco.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA