KASABAY ng pagdiriwang ng 2024 Regional Science and Technology Week (RSTIW) sa CALABARZON region na ginanap nitong Oktubre 14-16, matagumpay na nailunsad ang 21st Century Learning Environment Model (CLEM) Classroom sa Angelo L. Loyola Senior High School (ALLSHS) sa Carmona, Cavite.
Layon ng inisyatiba, sa pangunguna ng DOST CALABARZON katuwang ang local government units, na mas mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng innovative technologies at teaching practices, na magbibigay sa mga mag-aaral ng mahahalagang kasanayan para sa sustainable economy.
Ang CLEM Classroom ay naayon sa hangarin ng Carmona na maging isang smart city, isang vision na ibinahagi ni DOST CALABARZON Regional Director Emelita Bagsit. Aniya, layunin ng munispalidad na maging isang Carmona International City sa pamamagitan ng Science for Smart Cities Program (SSCP), na sumasaklaw sa pamamahala, imprastraktura at edukasyon.
Idinagdag ni DOST Undersecretary Ms. Mardon Sahagun na ang CLEM ay magpapahusay sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng mga estudyante, para ihanda sila sa mga hamon ng matalinong lungsod. Idinagdag ni DOST Undersecretary Dr. Teodoro Gatchalian na ang CLEM ay may limang pangunahing layunin: bridging technological gaps, developing 21st-century skills, promoting STEM education, enhancing teaching and learning, at improving student outcomes.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA