
Nagbigay ng pinansiyal na tulong ang Department of Human Settlements and Urban Development sa Caraga Region (DHSUD-13) sa 218 pamilya na napinsala ang mga tirahan dahil sa natural o human-induced disasters sa isang serye ng payout activities noong nakaraang lingo.
Ayon sa inilabas na kalatas, sinabi ng DHSUD-13 na ang mga benepisyaryo – mula sa mga siyudad ng Butuan, Surigao at Tandag, gayundin sa mga bayan ng of Sison (Surigao del Norte), Cagwait (Surigao del Sur) at Prosperidad (Agusan del Sur) – ay nakatanggap ng tulong sa ilalim ng Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP) mula Marso 17 hanggang 21.
“Families with partially damaged houses were given PHP10,000 each, while those with totally damaged homes received PHP30,000 each,” ayon sa DHSUD-13.
Ayon ay payouts ay ibinase sa DHSUD Memorandum Circular No. 2024-007, na inilabas noong Agosto 21, 2024. Na alinsunod sa inamyendahang guidelines apra sa IDSAP Phase 1.
“The IDSAP continues to accommodate qualified beneficiaries in the region, ensuring they receive the necessary shelter support from the government to overcome financial hardships,” dagdag pa nito.
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na