Nagpaabot ng tulong pinansiyal ang mag-asawang House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez, ng tig-P150,000 sa 21 Filipino seafarers na nasagip mula sa MV Tutor na tinamaan ng missile at drone attacks sa Red Sea.
Ayon kay Tingog Partylist Rep. Jude Acidre, galing ang naturang cash assistance, na nagkakahalaga ng P3.15 milyon sa personal na calamity funds ng mag-asawang Romualdez.
“As instructed by President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., Speaker Romualdez and his wife, Rep. Yedda Romualdez is working hard to provide relief and support to our seafarers,” ayon kay Acidre na personal na ipinaabot ang tulong sa mga seafarers nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Masaya at nagpapasalamat ang House leader sa ligtas na pagbabalik ng mga seafarer, na binanggit ang kumikilos na ang gobyerno kasunod ng pag-atake.
“We are deeply relieved that our brave seafarers are coming home safe. This assistance is a token of our gratitude for their courage and resilience during this harrowing ordeal,” ani House Speaker.
Binigyang-diin din ni Mrs. Romualdez na kailangan suportahan at protektahan ang mga Filipino workers abroad na itinuturing na mga bayani. “Our seafarers are our modern-day heroes, and it is our duty to ensure their welfare,” pakli ni Yedda Romualdez.
“This cash assistance from our personal funds aims to help them and their families as they transition back home. We stand by them and are committed to providing the necessary support,” dagdag niya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA