December 24, 2024

21 overstaying na Chinese, blacklisted

NILAGAY sa blacklist ng Bureau of Immigration ang 21 Chinese dahil sa pagiging overstaying nito sa bansa makaraang lumabag ang mga ito sa panuntunan ng Visa Upon Arrival (VUA) program ng pamahalaan.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nilabag ng mga Chinese national ang termino at kondisyon ng kanilang visa matapos silang mag-overstay ng walang sapat na dahilan.

Ipinag-utos sa mga Chinese national ang agarang pag-alis sa bansa kapag na update na ang kanilang pananatili at bayaran ang dapat bayaran, multa, at parusa, ayon sa BI.

 “As a consequence of their being placed in our blacklist, these Chinese nationals are now barred from re-entering the Philippines for violating the conditions of their stay,” ani ni Morente.

Ayon sa BI, dumating ang mga Chinese nationals sa bansa sa magkahiwalay na petsa noong Disyembre 2019 at Enero ngayong taon.

BI said the Chinese nationals arrived in the country separately in December 2019 and January this year.

Ang VUA program ay isang landed visa scheme na inilunsad ng pamahalaan tatlong tapn na ang nakalilipas upang makahikayat ng maraming Chinese na turista sa bansa.

Sa ilalim ng pamamaraang ito, ang isang VUA grantee ay pinapagayan na makapasok ng at manatili sa loob ng bansa sa loob ng 30 araw na hindi na kinakailangan pa ng entry visa mula sa Philippine consulate sa kanilang pinanggalingang lugar.

Isang Department of Justice (DOJ) circular ang inisyu noong Enero na nagbabawal sa mga VUA grantee na palawigin ang kanilang pananatili sa bansa nang higit sa 30 araw “maliban kung dahil sa force majeure o medical emergency.


Matatandaan na sinuspinde ng BI ang implementasyon ng VUA nito lamang buwan ng Enero kasabay ng kasagsagan nf coronavirus outbreak sa Wuhan at iba pang lugar sa China