ARESTADO dahil sa cara y cruz ang nasa 21 ktao kabilang ang tatlong menor-de-edad matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang lamay sa Caloocan City, kahapon ng 1:00 madaling araw.
Isinagawa ng mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 15 at mga barangay opisyal ang operation sa lamay ng isang Richard Dela Torre sa 35 Lanka St., Pangarap Village, Brgy. 181, matapos makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen na ang mga dumalo sa lamay ay nagsusugal ng cara y cruz.
Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Dario Menor, nakakumpiska ang kanyang mga tauhan ng aabot sa P3,995 bet money na magkakaibang denomination at tatlong piraso ng peso coin na gamit bilang “pangara”.
Ang mga suspek ay iprinisinta sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o illegal gambling habang ang tatlong menor edad ay dinala sa City Social Welfare Department.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA