AABOT sa mahigit 20,000 manggagawang Pinoy ang nangangib mawalan ng trabaho kapag natuloy ang pagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Secretary Laguesma na sa kanilang talaan, Filipino ang may pinakamaraming bilang ng mga may trabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operators.
Bukod sa mga Filipino ay may iba pa aniyang dayuhan ang nagtatrabaho sa mga POGO tulad ng Vietnamese, Chinese, Indonesian, Burmese, Malaysian, Taiwanese, Thai, South Korea, at Lao.
Nakipagkasundo na rin aniya ang Bureau of Immigration sa Department of Labor and Employment para magkaroon ng profiling ng mga dayuhang manggagawa na nagtratrabaho sa mga online gaming.
Samantala, sa kabila ng maraming mga manggagawang umaasa sa POGO, halos walang namo-monitor ang DOLE na mga paglabag sa unfair labor practice.
Hinihikayat din ng DOLE ang mga manggagagawa na magtayo ng labor union upang mapangalagaan ang kanilang karapatan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA