November 5, 2024

20K KABATAAN NAGHUBAD SA FB GROUP

IBINUNYAG ni Senator Risa Hontiveros na namamayagpag ngayon ang mga Facebook group na ginagamit ng mga kabataan para magbenta ng video at larawan ng kanilang hubad na katawan upang may pangtustos sa online learning.

Ipinakita ni Hontiveros, chairman ng Committee on Women Children, Family Relations and Gender Equality, ang screenshot mula sa isang impormante na miyembro ng Facebook group na Redroom, na ginagamit ng mga kabataan para magbenta ng video o larawan na walang saplot.

“This is happening on Facebook, the biggest and most used platform of Filipinos,” ani ni Hontiveros.

Saad niya na itong partikular na group, na may higit 7,000 na mga miyembro ay naipasara na ng Facebook matapos ulanin ng concerns sa ginanap na pagdinig.

Subalit habang iniimbestigahan, nadiskubre ng tanggapan ni Hontiveros na isa pang FB group ang sumulpot na may kaparehong content na tinawag namang Blueroom at may 20,000 miyembro.

“Social media networks must be more proactive. They have the duty to use the sophistication of their technology to put an end to this exploitation,” ayon kay Hontiveros.