LARGA na ang lahat ng sistema para sa pagsulong ng 2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge na gaganapin sa Pebrero 2, 2025, (Linggo) sa ICI College, Sta. Maria, Bulacan.
Ayon kay tournament director Normel De Jesus, nahahati sa 2 divisions ang isang araw na torneo.
Ang 2300 and below FIDE rating as of December 2024 (titled players ay puwedeng lumahok) at ang 17 – under (regardless of rating and title).
Ang kaganapang ito ay idaraos sa pakikipagtulungan ng Committee de festejos na pinamumunuan ni Pangulong Engr. Annabel Mauricio-Roldan at katuwang ang University of Santo Tomas (UST) Chess Team, NORI Chess Club at Bulacan 6th District Congressman Salvador “Ador” A. Pleyto.
Ang magka kampeon dito sa 2300 and below FIDE rating as of December 2024 ay tatangap ng taginting na P10,000.
Ang segunda hanggang fifth placers ay tatanggap ng P5,000, P3,000, P2,000, at P1,500, ayon sa pagkakasunod.
Ang ikaanim hanggang walo ay tatanggap ng tig-P800 habang ang ika-9 hanggang ika-10 ay maghahabol ng tig-P500.
Ang Top Sta. Maria, Top Lady, Top College at Top 50 Above ay makakatanggap din ng cash prize.
Ang top four sa 17 years old and under ay kikita ng P4,000, P2,000, P1,500 at P1,000 , ang 5th hanggang 8th placers ay mag-uuwi ng P500 bawat isa habang ang 9th hanggang 10th placers ay makakatanggap ng tig-P300.
May nakalaan din sa Top Sta. Maria at Youngest Player na cash prizes.
Ang registration fee ay P400 para sa 2300 and below FIDE rating as of December 2024 habang P300 para sa 17 years old and under.
Para sa dagdag-detalye, makipag-ugnayan sa messenger/fb Normel R. De Jesus, contact no. 09057918089. (DANNY SIMON)
More Stories
DMW SA MGA PINOY: MAG-INGAT SA ONLINE JOB OFFERS
Navotas Funbikers
Healthcare Waste Project isinusulong ang Zero Waste Practices sa mga ospital at pasilidad