Parang ‘palakang bato’ sa kabundatan ang Office of the Mayor ng Marikina kung ang pagbatatayan ang inilaan na P700 milyon sa kabuan ng P3.6 bilyon na budget para sa 2025 na ipinasa ng konseho nitong kamakailan lang.
Bukod pa riyan ang P595 milyon na nakalaan sa pambayad ng utang. Naloko na!
Hindi po simpleng numero ang pinag-uusapan natin dito o mathematical equation sa libro. Ang numero pong iyan ay kuwarta – kuwarta mula sa hilahod na taxpayers ng mga taga-Marikina.
Pasan-pasan na ng mga taga-Marikina ang buwis na kinakaltas sa kanilang pinagpagurang sahod o sweldo pero malungkot aminin na hindi nila nararamdaman sa kanilang buhay kung ano ang magandang naidudulot ng pagbabayad ng tamang buwis.
Kaya nga nalulungkot at masama ang loob ng anim na konsehal na sina Ronnie “Kambal” Acuña, Rommel “Kambal” Acuña, Carl Africa, Samuel “SF” Ferriol, Bong Magtubo at Mary Jane Zubiri-Dela Rosa, sa nangyari sa konseho nitong kamakailan lang hinggil sa budget ng lungsod para sa 2025.
Sino ba naman kasi ang hindi magagalit, e mantakin ninyo hindi na nga sumunod sa mga isusumiteng dokumento ng budget na sang-ayon sa local government code, e nilimitahan pa ang kanilang kalayaang magtanong, makipag-debate at tinutulan ang paghapag ng amyenda sa panukalang budget ng lungsod para sa susunod na taon.
Ang siste kasi mga ka-Berdugo, hanggang dalawang tanong lang daw ang puwedeng itanong para sa P3.46 bilyon na panukalang budget. Nakupo! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Papaano mabubusisi nang husto ang P3.46 bilyon budget na dapat ay mapakinabangan nang husto ng mga taga-Marikina kung para silang tinanggalan ng boses ng majority?
Ayon pa sa mga konsehal, halos P800 milyon ang budget ni mayor pero walang breakdown kung saan gagamitin.
Mayroon din umanong P595 milyon na nakalaan sa pambayad utang pero hindi nakasaad o ipinaliwanag kung saan ginamit ang utang? Naloko na!
“P595.7 milyon ang mapupunta sa pambayad utang sa bangko sa 2025. Pera ito na sana napunta sa mga serbisyo para sa mga Marikenyo, pero napunta sa pambayad utang sa 3.6 Bilyon — na hanggang ngayon walang paliwanag o mga detalye na naipakita sa konseho,” ayon sa mga konsehal.
Heto pa ang masaklap, sa 2025 budget ng Marikina, binawasan ang pondo sa gamot, sa kalusugan. Walang pondo para sa dagdag classroom at walang pondo.
Hay naku! Maipagpapasalamat na lang natin na mayroong mga konsehal na hindi natutulog at nagsusunog ng kilay para busisiin ang mga budget ng Marikina.
Wish lang natin na huwag lubayan ng mga konsehal na ito ang pagbabantay sa budget ng Marikina. ‘Yun lang po.
More Stories
Para sa patas na halalan… GUANZON: MGA ARTISTA NA ENDORSER NG MGA KANDIDATO, I-TAX CHECK!
Comelec nagsimula na sa pag-imprenta ng mga balota para sa halalan sa 2025
UAE NAGGAWAD NG PARDON SA 220 PINOY; NAKATAKDANG PAUWIIN