November 16, 2024

2024 World Memory Games Iho-host ng Manila


KUMPIYANSA si Roberto Racasa na mas mabibigyan nang atensyon para higit na mapataas ang popularidad ng memory sports sa nakatakdang pagsasagawa ng World Memory Championship sa bansa sa susunod na taon.

Ipinahayag ni Racasa, tinaguriang ‘Father of Philippine Memory Games’, na ipinagkaloob ng World Memory Sports Council (WMSC), ang international federation ng naturang sports, ang hosting ng torneo matapos ang tatlong taong pananahimik bunsod ng pandemya.

“Malaking tulong po itong hosting natin para mas mapakilala ang memory sports at ma-appreciate ng ating mga kababayan ang buting maidudulot nito hindi lamang sa mga bata bagkus sa lahat na nagnanais na mapaunlad ang memorya na magagamit hindi lamang sa career bagkus sa pang-araw araw na pamumuhay,” pahayag ni Racasa sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RSMC) sa Malate,Manila.

Ayon kay Racasa, kauna-unahan Pinoy na nakalahok sa naturang torneo noong 1998, nagpahayag ng suporta si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Jr. para sa naturang torneo.

“Ngayon pa lamang nagpapasalamat na kami kay Secretray Abalos   na eversince eh siyang tumutulong sa Philippine memory sports team. May mga kausap na rin kaming pribadong grupo para maisagawa natin angbibihirang pagkakataon na ito,” sambit ni Racasa sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Wala pang Pinoy na nagkampeon sa torneo, ngunit kumpiyansa si Racasa sa kakayahan ng Pinoy at ang hosting ay isang paraan upang mas dumami ang makiisa at makilahok sa naturang sports.

“Malaki ang tyansa ng Pinoy a memory sports. Yung kakulangan sa exposure hopefully matugunan ito sa pagiging host natin,” ayon sa ama ng chess supertar at Women’s International Master Antonelle Racasa. Ang memory sports ay binubuo ng 10 events na One hour numbers (23712892….), 5-minute numbers, Spoken numbers (binabasa isa-isa kada segundo), 30-minute binary digits (011100110001001….), One hour playing cards (as many decks of cards as possible), 15-minute random lists of words (house, playing, orphan, encyclopedia….), 15-minute names and faces, 5-minute historic dates (fictional events and historic years), 15-minute abstract images (WMSC, black and white randomly generated spots) / 5-minute random images (IAM, concrete images) at Speed cards.