December 25, 2024

2023 OFFICE OF THE PRESIDENT BUDGET APRUB SA SENADO

Pasado na sa komite ng Senado ang panukalang 8.969 billion pesos na panukalang pondo ng Office of the President at 863.69 million pesos na  panukalang pondo ng Presidential Management Staff para sa susunod na taon. 

Sa naging talakayan sa senate finance committee, kabilang sa mga natanong sa OP ang kanilang 4.5 billion pesos na panukalang pondo para sa Confidential and Intelligence Fund (CIF). 

Ayon kay executive secretary Lucas Bersamin, pinanatili lang nila ang halaga ng CIF na inilaan para sa OP noong nakaraang administrasyon. 

Sinabi ni bersamin na nagpapatupad sila ng whole of nation approach sa ating security arrangements. 

Gayunpaman, kailangan pa rin aniyang magkaroon ng flexibility at tiyakin na makakatugon pa rin ang bansa sa requirements ng international at domestic security.  Sinabi naman ni senior deputy executive secretary Hubert Guevarra na pinanatili lang ang halaga ng CIF alinsunod na rin sa isinusulong na 2022-2028 Medium Term Fiscal Framework (MTFF) ng administrasyon