Inihayag ng Commission on Elections na magkakaroon ng 2022 edition ng PiliPinas Debates, kung saan ang mga magkakatunggali na kandidato para sa national post ay haharapin ang mga iba’t ibang isyu na nagaganap sa bansa.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jiminez sa isang virtual forum na kanilang itinutulak ang Pilipnas Debates 2022. Wala na siyang idinagdag na detalye kaugnay dito.
“Are we going to have PiliPinas Debates? Hell yes, we will. How are we gonna do it? We’re working on organizing it now,” aniya.
Sinabi rin ni Jiminez na mayroong pagbabago sa gaganaping debate dahil sa COVID-19 pandemic.
“Obviously it will look different from the way it used to before. But we are working round the clock to design the new PiliPinas Debates, and it will happen,” dagdag niya.
Nakatakda ang filing ng certificate of candidacy para sa 2020 elections mula Oktubre 1-8, 2021.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD