
IKINOKONSIDERA at ipinagmalaki ng Commission on Elections na ang nagdaang 2022 national at local elections ang pinakamatagumpay sa kasaysayan ng halalan sa Pilipinas.
Pinagbatayan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang 82% na grado o nakuha nila sa Pulse Asia survey matapos na idinaos ang halalan.
Ipinagmalaki rin ni Garcia ang pinakahuling eleksyon nuong Mayo dahil napakababa at tanging 23 lang anya ang naitalang insidente.
Masyado anyang malayo ito sa mga insidenteng naitala nuong 2016 na may 166 at 2019 na mayroong 133 election-related violence incidents.
Ang pinakahuling eleksyon din anya ang nakapagpalabas ng pinakamabilis na resulta ng hahalan.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon