Sa kabila ng suhestiyon ng ilan na ikansela ang 2021 Tokyo Olympics, nais ng Japan na ituloy ito. Kahit na kinokonsidera na i-cancel ang Olympics at ilatag na lamang ang hosting nito sa 2032 edition, ayon sa ulat.
Gayunman, pinasinungalingan ito ni Prime Minister Yoshihide Suga. Aniya, nasa hulog ang Japan para ligtas at successful na idaos ang olimpiyada.
Sa kabila ng banta ng COVID-19 at bagong variant, walang makapipigil sa Olympics. Ito ay idaraos sa July 23 hanggang August 8 sa Tokyo.
“I am determined to realize a safe and secure Tokyo Games as proof that mankind will have overcome the virus,” ani Suga.
Para safe ang mga atleta sa buong mundo, inilatag ng Tokyo Olympic games organizing committee ang isang protocol.
Anila, may contingency plan sila para sa kaligtasan ng involved sa palaro. Gayundin ang mga dadalong spectators.
Hangad ng Japan na bago pumalo ang Olympics, nasa mabuti nang lagay ang lahat. Lalo pa’t nakaamba na ang bakuna sa ilang nasyon laban sa virus.
Sa pamamagitan ng vaccine, mababawasan ang pangamba at agam-agam ng lahat. Dahil may pangontra na laban sa COVID-19.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2