November 23, 2024

2021 SEA GAMES SA VIETNAM, KINANSELA

Kanselado ang 2021 Southeast Asian Games sa Vietnam ngayong taon. Ito ay bunsod ng peligrong dulot ng COVID-19 pandemic. Naging batayan ng Vietnam ang patuloy na pagtaas ng kaso ng virus.

Kaya, nagpasya silang ikansela ito kaysa sa malagay sa panganib ang mga atleta at mga staff. pati na rin ang pamunuan ng laro. Tinimbang din ng Vietnam ang mungkahi ng ilang nasyon na itigil ang palaro.

Kaugnay dito, ipinagbigay alam ni Philippine Olympic President Abraham “Bambol” Tolentino ang balita. Dumalo sa meeting si Rep. Tolentino at ito ang napagkasunduan.

Itutuloy na lang ang SEA Games sa susunod na taon. May 10 days ang Vietnam upang magpasya sa itatakdang petsa ng biennial meet. Maaaring sa Hulyo o sa September 2022 idaos ito.

Nalungkot naman ang mga atletang Pilipino sa pagkaka-cancel ng SEA Games. Anila, sayang ang ginawa nilang preparasyon. Baa mabago rin umano ang outcome ng laro. Gayunman, malaking adbantahe ito upang makapaghanda pa sila.