Selyado na ang mga 16 na teams na pumalaot sa NBA playoffs. Opisyal na magsisimula ang playoffs sa August 17, (August 18, Martes sa Pilipinas).
Ang kaibahan nga lang, walang home court advantage ang format ng playoffs. Ito’y bunsod ng COVID-19 pandemic. Kaya, gagawin ang laro sa Disney World Campus sa Orlando, Florida.
Kaya naman, pantay lang ang bawat team. Mag-uunahan lalang kung sino ang makapatatala ng 4 na panalo.
Wala mang crowd na manood ng live ng laro, exciting pa rin ang laban. Batay sa iskedyul, 4 na games ang ikakasa sa isang araw.Hanggang sa may ma-eliminate sa kontensyon. Unang maglalaro sa first round game ang Utah Jazz at Denver Nuggets.
Samantala, pinuri naman ng madla si NBA Commissioner Adam Silver, sampu ng katuwang nito. Ito ay dahil sa walang naitalang kaso ng COVID-19 sa bubble sa mga nakaraang test.
Narito ang first-round playoff match-up
Eastern Conference
No. 1 Milwaukee vs. No. 8 Orlando
No. 2 Toronto vs. No. 7 Brooklyn
No. 3 Boston vs. No. 6 Philadelphia
No. 4 Miami vs. No. 5 Indiana
Western Conference
No. 1 Los Angeles Lakers vs. No. 8 Portland
No. 2 L.A. Clippers vs. No. 7 Dallas
No. 3 Denver vs. No. 6 Utah
No. 4 Oklahoma City vs. No. 5 Houston
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2