November 5, 2024

2020 NBA championship, nasungkit ng Los Angeles Lakers pagkatapos lunurin ang Miami Heat sa Game 6

Tinapos na ng Los Angeles Lakers ang serye pagkatapos lunurin ng Miami Heat, 106-93 sa Game 6 ng NBA finals.

Dahil dito naitala ng Lakers ang ika-17 NBA championship sa franchise history. Ito rin ang una nilang championship sa nakalipas na 10 taon.

Nanguna sa panalo ng Lakers si LeBron James na nagtala ng 28 points, 14 boards at 10 assists.

Nasungkit din nito ang ika-4 na NBA title sa tatlong magkakaibang team. Siya rin ang nahirang na NBA Finals MVP.

It means a lot to represent this franchise,” ani James.

“I wanted to put this franchise back where it belongs.”

“For me to be a part of such a historical franchise is an unbelievable feeling,” aniya.

Nag-ambag naman si Anthony Davis ng 19 points at 15 boards.Maganda ang naging simula ng offense at defense ng Lakers. Samantalang maalat ang Miami.

Gumana rin ang bench scoring nito, dahilan upang matambakan nila ang Heat ng 36 points sa first half.

Pinilit humabol ang  Miami. Ngunit, hindi nagpatinag Lakers. Gumawa si Bam Adebayo 25 points at 10 boards para sa Heat.Kapwa nag-ambag naman ng tig-12 puntos sina Jimmy Butler at Jae Crowder.